Wednesday, April 3, 2013

blog blog din pag may time..:)


ang daming nangyari sa paghihibernate ko ng ilang linggo.. sa sobrang dami di ko kayang ikwento lahat.. eto nalang mga highlights..

1. naaksidente kapatid ko (motor accident) at thank God hes fine now, successful naman ang operation, therapy nalang para sa balikat nya..

2. naenjoy ko ang semena santa, nakapag pangilin, prusisyon, nagsimba, nagsorry sa lahat ng nagawang kasalanan ko (sobrang dami na kasi) hahaha..

3. nasundan ko ang mga teleserye sa tv (kapamilya) sa sobrang ala akong magawa sa bahay no internet, poor signal..(probinsya eh) natapos ko din ang buong series ng GLORY JANE at in fairness ang ganda ng story, ang gwapo pa ng mga bida..

4.  nadelay ang flyt pa dubai.. hintay pa daw kasi yung ibang employment visa ng mga sup at manager na kasabay namin sa pag alis on process pa..

5. miss ko ng magtrabaho.. nananaba ako kakatambay, kain tulog lang..

6. pag ibig?? napagtanto kong as mabuti ng wala.. pahinga muna..basta alam ko mahal pa din kita, at kung mahal nya ko? e bahala na si destiny.. (in two years)

7. mas lalo akong naging close sa mga pinsan ko sa province kasi nagka time ako makasama sila..

8. ang itim ko na as in! (uso naman daw kasi summer) di naman sa pag beach ako nangitim kahit super dami ng beach sa province, nangitim ako kakadrive.. since naaksidente kapatid ko ako ngayon ang driver ni mama at utusan..

9.  nasa manila ako since monday.. hahaha.. para tapusin ang lecheng clearance! ill stay here hanggang sunday siguro!., para i pack narin lahat ng natitira kong gamit..(ang hirap magimpake, kasama na din kasi ang thought na wala na kong babalikan dito..hay) but im enjoying my stay here now..

10. sayang di ako nakasama sa pbo.. hay..

11. ang puso ko ay mananatiling iyo pa din.. (hahahahahahahaha)

6 comments:

  1. nasa manila ka na hindi ka pa nakasama hahaha lol

    at ang 11 ha in fairness charing na charing!! hahahaha ganyan! ganyan!! hahaha

    enjoy ur flight pa dubai and mas eenjoy ang bagong journey ng iyong life. hope to hear more cheenee!!!

    ReplyDelete
  2. sana maging okay ang lahat sa brother mo...


    sana maging makulay ang lovelife hehehe

    Na miss ko din mga pinsan ko... ^^

    ReplyDelete
  3. makipagkita ka... sa friday midnight coffee meet with kuya mar n sunny toast...aalis na kasi si kuya mar eh...txt me

    ReplyDelete
  4. ang harot lang .. pahabol pa. hahaha

    mangingibang bansa ka na ba?

    ReplyDelete
  5. hahaha...ito dapat ang ginagawa pag nag uupdate...i enjoy reading...ung last update ung like na like ko...:) cheeeeesy naman.


    xx!

    ReplyDelete