Monday, March 25, 2013

Saturday, March 16, 2013

perks of being a TAMBAY?!

eto na yata ang pinakamahirap sa lahat ang maging tambay! ang walang ginagawa.. dati akala ko madali at masarap, di pala, unang una ang hirap mag isip ng dapat mong isipin ng buong araw, tapos, mas mahirap ata na bilangin ang bawat patak ng minuto dahil ubos na ang kailngan mong gawin sa buong araw, kung pwede lang ulit ulitin ang pahuga sng plato na hugas na o basain ang tuyong sinampay at isampay uli para kahit papano bummilis ang takbo ng oras.. hayyy...

akala ko masaya, sa mga oras na to, napadaan na ko sa lahat ng blog, pero di nako makapagcomment sa bagal ng internet nahiihhiya ako ng mabasa ko ang mga blog nila super productive ng araw nila!e ako? maghapon sa bahay., kanina nga tinanggal ko lahat ng damit sa aparador at binalik ulit,.. at isa pang pinakamahirap sa buuhay ng tambay?? e ang pera! syempre kailngan ko gumastos at kumain naubos ko na ang savings ko kakakain!!leche lang!! ni ala na ko pampanood ng sine!!

so ano bang halaga nitong sinusulat ko? hahaha..wala naman.. napaisip lang ako. ngayon ko naapreciate ang trabaho.. na kahit puro reklamo ako nuon na paulit ulit lang atleast may kinahihinatnan, ngayon iba iba nga gnagawa ko sa isang araw ala naman ako napapala.. nakikinabang lang ang meralco sa sobrang lakas kong kumunsumo ng kuryente kakainternet tv dvd sounds.. at ang manilad (kung manilad nga ba ang tawag dito sa makati..siguro makalad..hahaha watever) sa sobrang lakas ko magtubig kaka ligo at laba at hugas ng paulit ulit!!

dibale.. sa april panibagong trabaho,,panibagong pakikipagsapalaaran.. mamahalin ko na ang bago kong trabaho.. and yes.. im ready to fly..


PS (pakengsheeet)
nakakataba ang pagtambay..promise!! ang taba ko na lumiliit na ang mga damit ko sakin! tnryko mag jogging para ko lang ginagago sarili ko kasi pagkatapos ang dami ko naman .kinain..haaaaaaaaaayyyy..maniniwala nalang ako sa kasabihan na "ANG TUNAY NA MAGANDA DI TAKOT TUMABA" papaniwalain ko nalang ang sarili ko na maganda ko.. hahahaha..

Tuesday, March 5, 2013

sabak kung sabak!

san ba nagsimula ang lahat?!

inaya lang naman ako ni mj ng HEAVENKNOWS para sa isang meet up ng mga bloggers.. hanggang sa naikwento ang layunin ng BMIM or blog mo ipasuot mo, sa gitna ng kwentuhang walang patutunguhan at inumang walang humpay e nauwi sa pagsali ko sa grupo..

hanggang sa ayun, napapasama sa mga meeting na iilan lang naman ang umaatend at kami kami lang din..at dumating na nga ang ika limang sabak! na sa di inaasahang pangyayari e, nalate ako at tapos na ang programa nung umeksena ako, nalungkot ako kasi kasalanan ko naman bat di ko naabutan at ang tanging naabutan ko e ang pagliligpit ng gamit or pack up!!kaya nangako ako sa sarili ko na sa susunod na sabak kailangan di na ko mahuli!

at dumating na nga uli ang araw na pinakahihintay ko. ang IKA ANIM na sabak.. o anibersaryo ng BMIM.. gaya ng pinangako ko, di ako nahuli, kaya naenjoy ko ang bawat sandali, simula sa paghihintay ng mga nalate na kasama, hanggang sa pagpunta sa bahay na kung saan kami magaayos, sa pamamalengke, pagluluto, sa pagpaplastic ng mga damit na ipapasuot sa mga bata..

Photo: BMIM shirt #anniversarysabak
shirt!(pix credit to IRISH)

hanggang sa dumating na ang service namin papunta sa PULONG DIABLO.. oo yun ang pangalan ng lugar, scary! pero pinalitan na daw ngayon yun ng SITYO PARAISO.. (buti naman) malayong paglalakbay, motorcade ang eksena namin, dahil sa pinahiram ni vice mayor na pick up  at van..mala bukid o bundok ang tinahak namin.. at sa wakas.. sa tantya ko may 40 bata ang nandun na sumalubong samin..

nagsimula ang programa, naglaro, nagkwento si ABY ang aming future teacher na kinaaliwan ng di lang ng mga bata kundi pati narin namin matatanda.. tapos kumain, ng pansit at paburger ni ESSA, namigay ng damit.. at syempre picture picture!!

pix credit to XAN and KAMIL


pagod ng nakauwi, pero sobrang saya, worth lahat ng pagod puyat at pangingitim.. sa wakas nairaos namin ang ika anim na sabak.. or anivesary special ng BMIM.!


pix credit to kamil and xan




akala ko nuon masaya na ko sa simpleng nagbibigay lang ako ng tulong sa mga pulubi, nagdodonate kapag may mga nasalanta, yung paghuhulog ng barya sa simbahan.. di pala, mas okey at mas fulfilling pala yung ganito, na makakasali ka sa isang organisasyon. na ikaw mismo, sa sarili mong mga kamay makakapagpangiti ka ng marami..sana dumami pa ang ganitong mga grupo. 

sobrang nagpapasalamat din ako sa BMIM sa pagiging pangalawang pamilya ko..salamat sa mainit na pagtanggap..malulungkot ako kasi baka eto na ang huli kong sabak..pero sana may ISA pa bago man lang ako maging OFW.. pero nangako ako malayo man ako, patuloy parin ang suporta ko sa BLOGMOIPASUOT MO!

sa mga gustong sumali eto link kapatid! blogmoipasuotmo.tk or blogmoipasuotmo.blogspot.com

ayos!