san ba nagsimula ang lahat?!
inaya lang naman ako ni mj ng HEAVENKNOWS para sa isang meet up ng mga bloggers.. hanggang sa naikwento ang layunin ng BMIM or blog mo ipasuot mo, sa gitna ng kwentuhang walang patutunguhan at inumang walang humpay e nauwi sa pagsali ko sa grupo..
hanggang sa ayun, napapasama sa mga meeting na iilan lang naman ang umaatend at kami kami lang din..at dumating na nga ang ika limang sabak! na sa di inaasahang pangyayari e, nalate ako at tapos na ang programa nung umeksena ako, nalungkot ako kasi kasalanan ko naman bat di ko naabutan at ang tanging naabutan ko e ang pagliligpit ng gamit or pack up!!kaya nangako ako sa sarili ko na sa susunod na sabak kailangan di na ko mahuli!
at dumating na nga uli ang araw na pinakahihintay ko. ang IKA ANIM na sabak.. o anibersaryo ng BMIM.. gaya ng pinangako ko, di ako nahuli, kaya naenjoy ko ang bawat sandali, simula sa paghihintay ng mga nalate na kasama, hanggang sa pagpunta sa bahay na kung saan kami magaayos, sa pamamalengke, pagluluto, sa pagpaplastic ng mga damit na ipapasuot sa mga bata..
shirt!(pix credit to IRISH) |
hanggang sa dumating na ang service namin papunta sa PULONG DIABLO.. oo yun ang pangalan ng lugar, scary! pero pinalitan na daw ngayon yun ng SITYO PARAISO.. (buti naman) malayong paglalakbay, motorcade ang eksena namin, dahil sa pinahiram ni vice mayor na pick up at van..mala bukid o bundok ang tinahak namin.. at sa wakas.. sa tantya ko may 40 bata ang nandun na sumalubong samin..
nagsimula ang programa, naglaro, nagkwento si ABY ang aming future teacher na kinaaliwan ng di lang ng mga bata kundi pati narin namin matatanda.. tapos kumain, ng pansit at paburger ni ESSA, namigay ng damit.. at syempre picture picture!!
pix credit to XAN and KAMIL |
pagod ng nakauwi, pero sobrang saya, worth lahat ng pagod puyat at pangingitim.. sa wakas nairaos namin ang ika anim na sabak.. or anivesary special ng BMIM.!
pix credit to kamil and xan |
akala ko nuon masaya na ko sa simpleng nagbibigay lang ako ng tulong sa mga pulubi, nagdodonate kapag may mga nasalanta, yung paghuhulog ng barya sa simbahan.. di pala, mas okey at mas fulfilling pala yung ganito, na makakasali ka sa isang organisasyon. na ikaw mismo, sa sarili mong mga kamay makakapagpangiti ka ng marami..sana dumami pa ang ganitong mga grupo.
sobrang nagpapasalamat din ako sa BMIM sa pagiging pangalawang pamilya ko..salamat sa mainit na pagtanggap..malulungkot ako kasi baka eto na ang huli kong sabak..pero sana may ISA pa bago man lang ako maging OFW.. pero nangako ako malayo man ako, patuloy parin ang suporta ko sa BLOGMOIPASUOT MO!
sa mga gustong sumali eto link kapatid! blogmoipasuotmo.tk or blogmoipasuotmo.blogspot.com
ayos!
Binabati ko ang grupo ng BMIM sa matagumpay ninyong event... marami pa sana ang mga bloggers na mahikayat na sumali sa mga ganitong mga makabuluhang gawain..
ReplyDeletesana makasali talaga ang marami! :)
Deletehuy...bago ka magJapan sana makasama ka sa Outreach ha... Congrats sa BMIM!
ReplyDeleteIba talaga ang saya 'pag nakakatulong!
kealan ba yun?? may date naba??
Deleteapir din sayo.. ayun nga, pag di ka na makakasama sa next na sabak, welcome pa rin naman ang ambag.. hehehe.. pagbalik mo naman eh, malay mo, may maabutan ka na sabak, eh di solb.. :)
ReplyDeleteako nalang yata ang hauhuli sa pag bblog ng sabak lols! niways! congrats saten! kudos to team BMIM! ^_^
ReplyDelete;-) buti at dika na na late kasi sa pang pitong sabak nasa dubai kana. ;-) cheene ibalik mo si palaka!
ReplyDeleteCongrats sa Grupo nyo ^^
ReplyDeleteperstaym ko ba to sa bago mong bahay.... kokak! kokak! :)
ReplyDeletedapat kasama ako jan eh nagkasakit lng ako :)
I love BMIM <3