Sunday, May 12, 2013

...

haaayy...

kahit 4 hrs lang difference natin ang hirap pa rin.. nahihirapan ako lalo na kapag sinasabi mong "i miss you"  nalulungkot ako kapag may mga iniiwan kang message sa viber or sa line ko tapos pag sasagutin ko na.. wala na tulog ka na.. haaayy..

alam ko pareho tayong nahihirapan sa oras..na kapag off mo kailangan mo gumising ng maaga kesa magpahinga para makapag usap lang tayo..alam kong kaya natin to..namimiss na din kita.. sobra..

at sigurado lalo kitang mamimiss sa mga susunod na araw at linggo dahil sa punyetang schedule ko na kulang nalang wag na ko patulugin.. haayyy.. alam ko matatapos din to at konting tiis lang magkikita na ulit tayo..

gaya nga ng sabi mo.. enjoy lang.. matatapos din lahat to..

Monday, April 15, 2013

yun oh!

5 years ago..

una kang pinakilala ng tadhana sakin sa maling pagkakataon o tyempo, aaminin ko unang kita ko palang sayo 19 y/0 ako gusto na kita, pero hindi pwede. at ng mga panahon na yan di ko din akalain na ako ang magdudulot ng malaking problema sayo..



ilang taon ang lumipas.. dumaan ang ilang tao sa buhay ko pero ang nakakatawa dun sa tuwing nakakarinig ako ng balita sayo at nakikita ang mga picture mo sa internet di ko parin maiwasan ang mapangiti..



2 years ago..

masyadong mapaglaro ang tadhana..pinagtagpo uli tayo at sa mali nanamang pagkakataon.. "inom tayo" yan ang aya mo sakin nun. kaya lang tinanggihan ko dahil katatapos ko lang operahan at bawal pa.. natawa ka lang,at tinawanan mo lang din ako nung nagpumilit akong kunin ang number mo kahit alam ko naman na..humingi ako ng tawad sa kasalanan ko nuon sayo at sabi mo wala na yun sayo at okey na ang lahat,.


at dun nagsimula ang lahat, naging magulo ang mga pangyayari, pero ang ending naging tayo din.. ilang buwan lang naman sampu? siyam? kahit ako di ko alam.. naging maraming problema isa na dito ang kahit kelan ay di ako matatanggap ng mga kaibigan mo. na pinilit kong intindihin dahil alam kong mahal na mahal mo sila at sila na ang pamilya mo..

naghiwalay tayo dahil sa maraming dahilan, alam ng buong mundo gaano ko nasaktan na hanggang ngayon masakit pa din. minsan naiisip ko na baka ito ang karma sa dati kong kasalanan sayo. o ayan patas na tayo.. all 1 na..

pero natutunan kong itago at kayanin ang bigat ng nararamdaman ko sa ginawa mong pangiiwan sakin.. siguro dahil na din kasama pa din kita. pinilit kong tanggapin na kaibigan mo nalang ako at siguro hanggang dun nalang yun.. pero may mga sandali na nararamdaman ko na mahal mo pa din ako (baka feelingera lang ako) ..


ngayon..

ngayon eto.. walang tayo.. walang label.. magkaibigan lang.. pero masaya na ko dun at alam kong ikaw din.. at eto nanaman ang tadhana naglalaro nanaman.. kailngan nanaman nya tayong paghiwalayin talaga ng dalawang taon..

oo dalawang taon.. alam ko maraming pwede mangyari.. pwedeng magkaron ako ng iba.. o pwedeng ikaw din.. pero handa akong makipaglaro sa tadhana.. kung nung 2008 pinakilala ka nya sakin.. at nung 2011 binigay ka nya sakin kahit lahat sablay.. malay mo sa 2015 tamang tama na ang timing para satin..

maniniwala nalang ako sa kasabihan na "kung kayo..kayo talaga" . masyadong oa at marami na tayong napagdaan.. at mga taong nakilala.. pero tayo at tayo pa din lagi..at alam ko masaya ka pag kasama ako at ako din.. kahit puro kalokohan lang tayong dalawa..


umaasa ako na pagkatapos ng dalawang taon tayo pa din.. at pag balik ko at gusto mo nang panindigan ang satin sa lahat.. pangako iyong iyo na ko ng buong buo at hinding hindi na ko aalis pa..pero sa ngayon kailangan muna natin siguro ng timeout para makapag isip kung tayo nga ba talaga..


hanggang sa muling pagkikita.. sana tayo pa din..or should i say..


sana may tayo na..

Wednesday, April 3, 2013

blog blog din pag may time..:)


ang daming nangyari sa paghihibernate ko ng ilang linggo.. sa sobrang dami di ko kayang ikwento lahat.. eto nalang mga highlights..

1. naaksidente kapatid ko (motor accident) at thank God hes fine now, successful naman ang operation, therapy nalang para sa balikat nya..

2. naenjoy ko ang semena santa, nakapag pangilin, prusisyon, nagsimba, nagsorry sa lahat ng nagawang kasalanan ko (sobrang dami na kasi) hahaha..

3. nasundan ko ang mga teleserye sa tv (kapamilya) sa sobrang ala akong magawa sa bahay no internet, poor signal..(probinsya eh) natapos ko din ang buong series ng GLORY JANE at in fairness ang ganda ng story, ang gwapo pa ng mga bida..

4.  nadelay ang flyt pa dubai.. hintay pa daw kasi yung ibang employment visa ng mga sup at manager na kasabay namin sa pag alis on process pa..

5. miss ko ng magtrabaho.. nananaba ako kakatambay, kain tulog lang..

6. pag ibig?? napagtanto kong as mabuti ng wala.. pahinga muna..basta alam ko mahal pa din kita, at kung mahal nya ko? e bahala na si destiny.. (in two years)

7. mas lalo akong naging close sa mga pinsan ko sa province kasi nagka time ako makasama sila..

8. ang itim ko na as in! (uso naman daw kasi summer) di naman sa pag beach ako nangitim kahit super dami ng beach sa province, nangitim ako kakadrive.. since naaksidente kapatid ko ako ngayon ang driver ni mama at utusan..

9.  nasa manila ako since monday.. hahaha.. para tapusin ang lecheng clearance! ill stay here hanggang sunday siguro!., para i pack narin lahat ng natitira kong gamit..(ang hirap magimpake, kasama na din kasi ang thought na wala na kong babalikan dito..hay) but im enjoying my stay here now..

10. sayang di ako nakasama sa pbo.. hay..

11. ang puso ko ay mananatiling iyo pa din.. (hahahahahahahaha)

Monday, March 25, 2013

Saturday, March 16, 2013

perks of being a TAMBAY?!

eto na yata ang pinakamahirap sa lahat ang maging tambay! ang walang ginagawa.. dati akala ko madali at masarap, di pala, unang una ang hirap mag isip ng dapat mong isipin ng buong araw, tapos, mas mahirap ata na bilangin ang bawat patak ng minuto dahil ubos na ang kailngan mong gawin sa buong araw, kung pwede lang ulit ulitin ang pahuga sng plato na hugas na o basain ang tuyong sinampay at isampay uli para kahit papano bummilis ang takbo ng oras.. hayyy...

akala ko masaya, sa mga oras na to, napadaan na ko sa lahat ng blog, pero di nako makapagcomment sa bagal ng internet nahiihhiya ako ng mabasa ko ang mga blog nila super productive ng araw nila!e ako? maghapon sa bahay., kanina nga tinanggal ko lahat ng damit sa aparador at binalik ulit,.. at isa pang pinakamahirap sa buuhay ng tambay?? e ang pera! syempre kailngan ko gumastos at kumain naubos ko na ang savings ko kakakain!!leche lang!! ni ala na ko pampanood ng sine!!

so ano bang halaga nitong sinusulat ko? hahaha..wala naman.. napaisip lang ako. ngayon ko naapreciate ang trabaho.. na kahit puro reklamo ako nuon na paulit ulit lang atleast may kinahihinatnan, ngayon iba iba nga gnagawa ko sa isang araw ala naman ako napapala.. nakikinabang lang ang meralco sa sobrang lakas kong kumunsumo ng kuryente kakainternet tv dvd sounds.. at ang manilad (kung manilad nga ba ang tawag dito sa makati..siguro makalad..hahaha watever) sa sobrang lakas ko magtubig kaka ligo at laba at hugas ng paulit ulit!!

dibale.. sa april panibagong trabaho,,panibagong pakikipagsapalaaran.. mamahalin ko na ang bago kong trabaho.. and yes.. im ready to fly..


PS (pakengsheeet)
nakakataba ang pagtambay..promise!! ang taba ko na lumiliit na ang mga damit ko sakin! tnryko mag jogging para ko lang ginagago sarili ko kasi pagkatapos ang dami ko naman .kinain..haaaaaaaaaayyyy..maniniwala nalang ako sa kasabihan na "ANG TUNAY NA MAGANDA DI TAKOT TUMABA" papaniwalain ko nalang ang sarili ko na maganda ko.. hahahaha..

Tuesday, March 5, 2013

sabak kung sabak!

san ba nagsimula ang lahat?!

inaya lang naman ako ni mj ng HEAVENKNOWS para sa isang meet up ng mga bloggers.. hanggang sa naikwento ang layunin ng BMIM or blog mo ipasuot mo, sa gitna ng kwentuhang walang patutunguhan at inumang walang humpay e nauwi sa pagsali ko sa grupo..

hanggang sa ayun, napapasama sa mga meeting na iilan lang naman ang umaatend at kami kami lang din..at dumating na nga ang ika limang sabak! na sa di inaasahang pangyayari e, nalate ako at tapos na ang programa nung umeksena ako, nalungkot ako kasi kasalanan ko naman bat di ko naabutan at ang tanging naabutan ko e ang pagliligpit ng gamit or pack up!!kaya nangako ako sa sarili ko na sa susunod na sabak kailangan di na ko mahuli!

at dumating na nga uli ang araw na pinakahihintay ko. ang IKA ANIM na sabak.. o anibersaryo ng BMIM.. gaya ng pinangako ko, di ako nahuli, kaya naenjoy ko ang bawat sandali, simula sa paghihintay ng mga nalate na kasama, hanggang sa pagpunta sa bahay na kung saan kami magaayos, sa pamamalengke, pagluluto, sa pagpaplastic ng mga damit na ipapasuot sa mga bata..

Photo: BMIM shirt #anniversarysabak
shirt!(pix credit to IRISH)

hanggang sa dumating na ang service namin papunta sa PULONG DIABLO.. oo yun ang pangalan ng lugar, scary! pero pinalitan na daw ngayon yun ng SITYO PARAISO.. (buti naman) malayong paglalakbay, motorcade ang eksena namin, dahil sa pinahiram ni vice mayor na pick up  at van..mala bukid o bundok ang tinahak namin.. at sa wakas.. sa tantya ko may 40 bata ang nandun na sumalubong samin..

nagsimula ang programa, naglaro, nagkwento si ABY ang aming future teacher na kinaaliwan ng di lang ng mga bata kundi pati narin namin matatanda.. tapos kumain, ng pansit at paburger ni ESSA, namigay ng damit.. at syempre picture picture!!

pix credit to XAN and KAMIL


pagod ng nakauwi, pero sobrang saya, worth lahat ng pagod puyat at pangingitim.. sa wakas nairaos namin ang ika anim na sabak.. or anivesary special ng BMIM.!


pix credit to kamil and xan




akala ko nuon masaya na ko sa simpleng nagbibigay lang ako ng tulong sa mga pulubi, nagdodonate kapag may mga nasalanta, yung paghuhulog ng barya sa simbahan.. di pala, mas okey at mas fulfilling pala yung ganito, na makakasali ka sa isang organisasyon. na ikaw mismo, sa sarili mong mga kamay makakapagpangiti ka ng marami..sana dumami pa ang ganitong mga grupo. 

sobrang nagpapasalamat din ako sa BMIM sa pagiging pangalawang pamilya ko..salamat sa mainit na pagtanggap..malulungkot ako kasi baka eto na ang huli kong sabak..pero sana may ISA pa bago man lang ako maging OFW.. pero nangako ako malayo man ako, patuloy parin ang suporta ko sa BLOGMOIPASUOT MO!

sa mga gustong sumali eto link kapatid! blogmoipasuotmo.tk or blogmoipasuotmo.blogspot.com

ayos!

Wednesday, February 13, 2013

ako si superman at ang aking pluma..

PAG-IBIG...

.. sa pelikula o maging sa telenobela yan ang inaabangan ng lahat, dyan nagkakaron ng kulay ang maaksiyon naming pakikipaglaban para sa kabutihan at ikakapaya ng mundo..

yan ang kahinaan naming mga tagapagligtas.. yan ang kahinaan ko.. ano nga ba ko sa likod ng mga matang mapanghusga? o ano nga ba ko sa likod ng kamera?

e sino nga ba ako?

ako si superman..at eto ang aking natatagong lihim..

pangalan ko ay CLARK, kung ilang taon na ko? yan ang di ko alam at di ko na matandaan..matagal na ko sa mundo, siguro ay di ka pa sinisilang ay nandito na ko, di ko rin alam bakit ako naging tagapagligtas ,ang pagkakaalam ko lang ay kilala ako samin bilang barako,walang kinakatakutan di kailangan ng kahit anong medisina para lumakas,pusakal,pero matulungin sa nangangailangan. kaya kong pumaslang para sa kaibigan o sa naapi. Di naman talaga ko masamang tao, pero may sarili akong prinsipyo.. "WALANG PUWANG SA MUNDO ANG MASASAMA AT MGA AHAS TAO"

pero di yan ang gusto kong malaman nyo.. gusto kong ikwento ang lihim ko, ang lihim na ngayon ko lang ibubunyag,. ang tunay kong pagibig..

una ko syang nasilayan sa isang marumit mabahong palengke, na pinalilibutan ng mga malalaking lalaki, binabastos, hinuhuthutan ng barya dala nya ang isang bilao ng paninda nyang suman, na halos ang kalahati ay nagsabog na sa daan..

"hoy! bitawan nyo sya! ang sigaw ko habang dahan dahang bumababa mula sa himpapawid..

"at sino ka naman?..superman??ikaw ba yan??ipakita mo ang tapang mo samin!!'' sigaw at pang aasar ng mga lalaki na halos kasing laki ng mga balde ang katawan na halos di na magkasya ang pantalon at kitang kita ang mga kuyukot..

''ah ganun.. o sya pagbibigyan ko kayo..kahit sabay sabay pa..lapit!!''

matapos ang isang minuto.. gaya nga lagi nyong napapanood sa telebisyon at nababasa sa mga peryodiko taob ang mga kalaban..sabay ang di magkamaliw na palakpakan ng mga nanonood..

''ligtas ka na..'' wika ko sakanya.. tinayo ko sya at tiningnan sa mata.. biglang may kumabog sa kaliwang parte ng aking dibdib..ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam.puta! eto naba ang tinatawag nilang tunay na pagibig?.. ang matikas at animong bakal na aking katawan ay parang biglang nanlambot.

''salamat''ang bigkas nya sabay ngiti sakin..

sa di ko malamang pagkakataon,di ko alam ang aking gagawin para akong sorbetes halos matunaw ako sa ngiti nya..niyakap ko sya at biglang nilipad sa kalawakan..

ilang araw..linggo ang lumipas..naging ganun ang aming nakasanayan, matapos nyang magtinda ng suman ay susunduin ko sya sa kanilang mumunting kubo, at ililipad sa kung saan, na kaming dalawa lang,. tuwing kasama ko sya nalilimutan ko ang pagod, at sobra sobra ang saya, ang dami nyang kwento tungkol sa buhay nya, at ako din halos naikwento ko na ata lahat ng aking pakikipaglaban,.

isang araw di ko na mapigilan ang aking nararamdaman,,habang yakap ko sya ng mahigpit sa himpapawid at nilalaro kami ng hangin sa gitna ng naggagandahang ulap..tinitigan ko sya sa kanyang mga mata na nagniningning.. di ko maipaliwanag ang kaba sa aking puso at ang parang alupihan na sobrang likot sa aking tyan..

''mahal kita..unang sulyap ko palamang sa iyo, di ko na napigilan ang humanga at umibig..parang apoy ng lampara ang nararamdaman ko simula nuon hanggang ngayon patuloy na nag aalab..di ko inaasahan na ganundin ang nararamdaman mo pero gusto kong malaman mo na ang matikas at walang talo na si SUPERMAN ay suko at talo sayo nanlalambot ang matitigas kong tuhod at kalamnan sa isang sulyap mo, inuulit ko, mahal kita..mahal na mahal.. di ko alam kung pareho tayo ng nararamdaman pero di ko ipipilit kung hindi, masaya na ko ng ganito.. na kasama ka.''

''masasabi kong mahal na din kita, gaya mo masaya ako pag kasama ka..at hinihiling ko na sana tumigil ang bawat patak ng segundo pag magkasama tayo..wala akong maipapangako sayo..dahil alam ko bawal ang ating pagiibigan..sanlibutan ang aking magiging kalaban at kahati sayo, basta tandaan mo tagapagligtas ka man o hindi nabihag mo ang aking puso''

sa sobrang saya ko ng marininig ang mga sinabi nya nalipad namin ang kasuluksulukan ng mundo ng oras na yun..at nakarating din kami sa langit..

naging mahirap samin ang lahat, dahil may tungkulin akong dapat gampanan.tungkulin sa sanlibutan,.napabayaan ko na ang mundong matagal kong pinrotektahan.. naubos ang aking oras kasama sya.. nagkaron ng maraming gulo sa ibat ibang panig ng mundo, pero wala akong naging pakialam..ang importante masaya ako sa piling ng aking mahal..

''kumilos ka nga dyan.. tulungan mo ang sangkatauhan..ang daming nang sakuna wala ka bang gagawin??''

''kaya naman nila ang kanilang sarili..umasa lang sila sakin ng matagal na panahon kaya ngayon akala nila di nila kayang tumayo sa sarili nilang mga paa..''

''ano kaba?? gumising ka nga sa katotohanan..bago mo pa ko makilala yan na ang sinumpaan mong tungkulin sa iyong sarili, ang tulungan ang lahat ng naapi.. wag mo akong gawing prioridad sa buhay mo, dahil kahit kelan.. di matatanggap ng sangkatauhan ang tayo.. at walang magiging tayo..simula ngayon pinuputol ko na nag ugnayan natin..isipin mo nalang na di tayo nagkakilala, na hindi nag krus ang landas natin..''

''hindi ko kaya!!!wag mong gawin sakin to..''

''eto ang tama at ang dapat.. kalimutan mo na ko, kalimutan na natin ang isat isa, tanggapin an natin na di tayo ang nakatadhana at kahit kelan maging sa kabilang buhay di tayo bagay..''

''alam ko..pero kaya kong isuko ang kapangyarihan ko kapalit ang pagibig mo, kapalit na tanggapin tayo sa mata ng mga tao..''

''alam mong kahit kelan ay hindi..pandidirihan ka, ako, tayo..''

''wala akong paki..siguro naman sa lahat ng naitulong ko kanila kahit kapalit nalang nito ay tanggapin ka''

''hindi sila ganun ang kabutihan ay nakakalimutan..gaya ng isang puting papel,, mas nakikita ang maliit na dumi kesa ang kalinisan na taglay ng malaking bahagi nito.. yan ang katotohanan..ayokong dumihan ang malinis na papel mo sakanila..mas pipiliin ko nalang maging tagahanga mo at tingalain ka mula dito..''

''pero..''

''wala ng pero pero..simula ngayon ikaw at ako ay isa nalang alaala na kailangang ibaon sa limot..na dapat ay tayo lang ang nakakaalam at wala ng iba..kasama na dito ang lihim ng pagiibigan nating dalawa..paalam..maraming salamat sa lahat.. sa sandaling panahon napasaya mo ako,salamat sa pagtanggap mo sa kung sino ako at sa pagkayap kung ano ako..kailanman ay di ko malilimutan ang tulad mo..''

''igagalang ko ang desiyon mo..ako din..maraming salamat sa lahat.. di kita makakalimutan..tunay kong pagibig..sana ay dumating ang araw na kaya na tayong tanggapin ng mundo, pangako babalikan kita sa oras na mangyari yun.. mahal na mahal kita ROBIN..''





....at iyon.. bumalik ako sa pagtulong sa aking kapwa, sa mundo, pero patuloy ko parin binabantayan si robin kahit ang tangi ko nalang magagawa ay tingnan sya mula rito sa itaas..


oo tama ka nagmahal ako ng kapwa ko o kauri ko ''lalake''..tunay at tapat..walang halong biro.pero dahil sa kahit kelan ay di matatanggap ng sanlibutan,pinili namin maghiwalay para sa isat isa..dahil sa mapanlait nyong mga mata,at wala sa katwiran na bibig..kung ako ang tatanungin?kaya ko sana ipaglaban ang aming pagmamahalan pero mas inisip namin kung ano mas mkakabuti para sa lahat..tama si robin,maghintay nalang kami sa tamang pagkakataon na matatanggap kami ng mundo..di man ngayon,pero parating may bukas at nakatanaw lang kami sa di natatapos na pagasa..dahil ng tunay na pagibig, kailanman di mamatay,di maglalaho..

di naman nabawasan ang pagkalalaki ko diba?!ako parin ang matipunong si superman na patuloy kang pinagtatanggol sa gitna ng laban..sana di nabawasan ang paghanga mo sakin dahil ako parin to, umibig lang ako..


at eto ang aking iiwan sa inyo..

''ang tunay na pagibig..WALANG PINILING SANDALI, WALANG PINIPILING LUGAR,AT WALANG PINIPILING TAO..at sana dumating na ang pagkakataon na MALAYA NA TAYONG MAGMAMAHAL sa panahon at lugar na gusto natin..at sa tao na tunay na tinitibok ng puso natin..''


lagda,
SUPERMAN..



******ito ang aking lahok sa bagsik ng panitik 2013 ng DAMUHAN..blog ng pinoy tambayan ng pinoy****************************